Oy Blog, long time no post.
Hayyy…. Ay nga pala, alam mo ba yung bagong album ni Taylor Swift? Yung RED? Well, ito lang ang mga masasabi ko. Halos lahat ng songs doon, tagos sa puso eh. Grabe lang, lalo na yung Begin Again niya. Sobrang tagos na tagos yun kasi damang-dama ko. Lalo na yung sa part ng:
“I’ve been spending the last 8 months thinking all love ever does is break and burn and end”
Totoo naman kasi. I think, I spent more than 8 months thinking about the love I lost. First love ko siya at hindi ako prepared nung biglaang hinablot yun sa akin. Hindi naman naging kami, hanggang MU lang. Pero para sa akin, ganun na rin yun.
Wala naman akong feelings sa kanya ngayon. Pero alam mo yung pag may mga maalala ka like songs ba o gamit bumabalik sa akin ang mga memories na yun e. Napapaisip tuloy ako ng mga ‘what ifs’.
What if we still liked each other? What if we didn’t have that little dispute over a little thing, would we have ended up together?
I know I’m still young. I’m 16 for goodness sake. But you can’t really avoid falling in love. No one can ever avoid Cupid’s arrow. The only downside to being hit is that sometimes, the person you like wasn’t hit by the arrow so you mope and feel all heartbroken.
Ayan tuloy, napa-english ako. Pero ganyan naman talaga. Hindi natin maiiwasan ang mahulog sa isang tao, lalo na’t pag kasama mo siya palagi.
Wala lang, nagrereminisce lang ako. Graduating na nga pala ako. And I had my first love nung 1st year ako. Tumagal nga yung feelings ko sa kanya hanggang sa gitna ng pagka3rd year high school ko. Pero yung kanya? Hanggang gitna lang ng sophomore year namin. Odiba? Tumagal pa yung akin ng isa pang year. May nakilala naman akong isa pang guy. Nagconfess siya sa akin na may gusto raw siya sa akin, so binigyan ko siya ng chance. Pero ang nangyari? Wala. I didn’t even like him. Naging panakip-butas lang siya so I ended it with him.
HAYYYY Buhay parang life.
Osiya, hanggang dito nalang muna.
>ED-26<